Powered By Blogger

Sunday, July 22, 2012

All About CvSU



Photo by: http://www.facebook.com/groups/cavitestateuniversity/photos/




Sa tatlong taon ko sa CvSU, I must say na ready na akong sagutin ang tanong na: “Masaya ka ba sa CvSU?”
Maraming estudyante ang nakakapansin sa minsa’y hindi maayos na pagpapalakad dito, maging sa facilities, at pati na rin sa marami pang bagay. Pero hindi rin naman maitatanggi ang mga nagagawa nito na both students and the University itself ang nagbebenefit.
Let’s start the discussion sa mga puna. Naririnig ko lang naman po ang karamihan, ang iba nama’y sadyang makikita’t mararamdaman mo naman talaga. Umpisa palang ramdam mo na ang paghihirap dahil sa pakikibaka mo sa mahabang pila sa enrolment. I’ve experienced seven in the morning ako pumunta, natapos ako bago mag-twelve ng tanghali. At kung mapalad-palad ka, aabutan kapa ng “cut-off” o naman kaya ang malala kapag sunod kana tsaka mawawalan ng internet. Well, obviously hindi maayos ang enrolment system. Sa dami kasi ng pumapasok na estudyante, mano-mano pa rin ang pagbabayad. Bukod dito,kapansin-pansin din ang hindi maayos na lakaran o daan mula labas hanggang loob ng University. Wala lang sana ‘to considering na bundok talaga ang kinatitirikan ng University, kaso every time kasi na uulan, hindi lang katakot-takot nabaha ang susuungin kung hindi pati ang kasama nitong putik. Maliit na bagay ba ito? Oo, maliit na lang sana ‘to kaya lang sa lahat nalang siguro ng lalakaran mo ay ganito, hindi ka naman pwedeng lumipad. At ok sana kaya lang mababasa pa medyas mo umaga palang. Therefore, hindi talaga ok. At syempre pa hindi talaga mawawala ang tume-trending na mga guards. Well, let’s say that they are just doing their job. Yes, they are, kaya lang moody talaga sila. Hindi mo alam ang trip sa bawat araw na pagpasok. Minsan buhok, minsan uniform, at madalas ID. I mean, pwede naman lahat idaan sa maayos na usapan. Nauso naman po ‘yon. Marami pa siguro ang pwedeng ipuna. Pero let’s give way para naman sa mga magagandang dulot ng University.
If we compare CvSU to other State Universities, hindi naman ito padadaig. CvSU has better facilities. From its humble beginnings, the University proved its worth to the people who became part of its development. Dahil sa mga strict implementation of rules, active participation to different activities through research and international partnership at ng maiging pagpapaalala ng University mission and vision, the awareness of the students are thorough. Hindi man minsan nagugustuhan, maganda ang dulot ng mga ito sa University. Kesa maging mukha tayong adik sa kanto o dancer sa mga club, nagiging matino ang lahat dahil sa pagpapatupad ng mga batas lalo sa itsura ng mga estudyante. Ehem… sabi ko rules, hindi moody guards. Bitter? Well, let’s move on sa student-friendly instructors. This is just an observation. Nagiging exciting kasi ang buhay sa CvSU sa magigiliw at masisipag na tagapagturo, hindi man lahat pero karamihan naman siguro no. There are also a lot of things to be proud of kung estudyante ka ng CvSU . Isa pa sa mga ito ay ang bonggang library. Mapapagod ka man kakaakyat, sulit naman sa maraming kaalaman mong makikita. Kung dika kombinsido, try mong pumunta, ewan ko nalang kung makulangan ka pa sa apat na palapag na puro libro ang kaharap. And I must say, CvSU’s approach to people is to encourage them to work hard and be disciplined through the years na pamamalagi dito.
Yes, I am happy to spend my four years of education in this University knowing both its weaknesses and strength. It proves that it will still grow and achieve even bigger honor not just for the government but for every single person involve. Naniniwala ako sa kaya nitong gawin sakin at sa bawat nangangarap na estudyante. Who would dare condemn an institution from where he came from? Dito ako nagsimula at gusto kong tunghayan ang pagyabong ng aking panggagalingan. I am what my University is. Kaya naman suportado ko ‘to. 

Friday, July 20, 2012

TRUTH. EXCELLENCE. SERVICE.


Laya't Diwa by: TJG



CvSU Historical Background


Monday, 05 October 2009 16:31
The Cavite State University (CvSU) in Indang, Cavite started as a pioneer Intermediate School established by the American Thomasites in 1906. Its first teachers were the American Thomasites recruited from the United States Armed Forces, with Mr. C.E. Workman as its first principal.

blah.. blah.. blah..


I have this gut feel na kung masyadong academic o technical yung ilalagay ko dito sa first blog ko, baka naman walang bumasa. Pero ang gusto kong article about this premier University in historic Cavite, eh yung reader friendly. Hmm.. Ano bang meron sa Cavite State University na wala ang ibang Universities? Pa'no mo ba masasabing isa ka ngang full blodded CvSUeño? Kapag ba nakasuot lang ng uniform from head to toe eh talaga namang certified CvSUan ka na?

I have here some situations/phenomenon that only certified CvSUeños can relate. They are as follows:

1.    Hindi ka full blodded na taga-CvSU kung hindi ka pa nasisita ng guard sa tanang buhay mo ng pananatili sa CvSU. O kahit yung ma-delay ka lang sa pag-pasok dahil sa aberya sa Gate 1 or 2. Kung sa ngayon naman male-late ka na’t lahat pero kailangan i-check "ISA ISA" ang mga bag ng almost 10,000 students ng CvSU.

Mapa-tsinelas man yan, haircut, hair color, clothes, pants, accessories and contact lenses— hindi nila yan palalampasin. Oh I almost forgot, even the Oh-So-Famous Identification card, eh mainit sa mata ng mga guard. Yung tipong kapag galling ka pa ng Imus at naiwan mo ang I.D mo eh uuwi ka ulit para makapasok ka. Well tulad nga ng lagi nilang sinasabi, “Para ‘to sa kabutihan ninyo” o kaya naman yung well-known line nilang “Ginagawa lang namin ang trabaho namin”… Yeah right. Yung tipong naka-miss ka ng major exam dahil lang sa id mo. O kaya naman hindi ka makapag-thesis defense kasi medyo humaba sa standard nila yung hair mo. Goodnes gracious!


2.    Let’s move on. Certified kang taga-CvSU kung naka-kain at naka-inom ka na ng Coffee Jelly at Panini. Sa tuwing lunch break o miryenda time, eh napupuno ang extension canteen para lang makabili yung mga estudyante ng paborito nilang snacks. Ang kaso yung dating paborito nating mga miryenda eh unti-unti nang nagmamahal. Konti na lang at can’t afford na rin ng mga simpleng estudyante ang dating maka-masang snacks. Dahil na rin yun sa patuloy na pagtaas ng presyo ng renta sa mga CvSU canteens.

Hindi naman natin sila masisisi kung magtaas man sila ng pesyo. Ang poblema bulsa na naman nating mga estudyante ang unti unting binubutas. Konting panahon pa at maraming mga mapagsamantalang kapitalista ang papasok sa ating unibersidad. I’m so excited!


3.    Ikatlo hindi ka tunay na taga-CvSU kung hindi ka pa nakaka-pasok sa ating prestigious LIBRARY! Yey! Kahit pa sabihing aabot siya ng fifth floor may elevator naman! Oh di’ba? Bongga! Ang daming libro dun plus ang lamig dahil well-maintained ang aircon!
Sa kasamaang palad yung mga huling palapag eh ginagamit na ring classroom. Kaya kung hindi mo aagahan, aabutan ka na ng fifteen minutes grace period eh hindi ka pa nakaka-akyat. Of course hindi ka pwedeng mag-elevator kasi specially for accreditors lang yun. ‘Pag normal na mga araw lang may sira yun. Nakakapagtaka nga eh. Yey! Sulit ang almost Php700 na binabayaran natin don!

4.    Hindi ka taga-CvSU kung hindi mo kilala sina Mama Dol at Batang Masipag. Kapag hinanap mo sila bilang tao, good luck sa’yo pre.

5.    Lastly, isa kang full blodded CvSUan kung naka-pagklase ka na sa hagdan, sa ilalim ng puno ng mangga, mabolo at kamatis, at sa sikat na college lobby. Well super well ventilated kaya lahat ng rooms dito sa ating pinakamamahal nating university. Safe pa kasi ang ganda ng bawat architectural designs ng mga building. Eh kung yung ipinanggawa naman kasi nung shed eh pinangdagdag na lang panggawa ng mga rooms eh di sana walang mga room TBA.

Pare-pareho naman tayo ng binabayarang SRF at SFDF, pero habang tagaktak yung pawis ng iba’t nagtitiis sa ilalim ng puno eh full-air-conditioned naman yung iba. Very fair indeed.

Haaayy.. Marami talagang masasayang bagay na sa Cavite State University mo lang mararanasan. Bilang mga estudyanteng nagbabayad ng mahal na matrikula hindi ba’t karapatan natin na maging komportable habang nag-aaral tayo at inihahanda sa pagpasok natin sa tunay na mundo?

Sulitin ang lahat ng pribilehiyo dahil lahat ng ‘yan ay may karampatang presyo. Bago man lang natin iwan ang unibersidad na ito nawa’y matatak sa’tin ang kanilang adbokasiya. Let’s all be globally competitive, pero hindi ibig sabihin non eh mag-a-abroad tayong lahat pagka-graduate. Isa-isip: TRUTH. EXCELLENCE. SERVICE.


Written by: E. Ajero; 201010811
Reference: cvsu.edu.ph
Image: Ted Jayson Guadamor