Powered By Blogger

Sunday, July 22, 2012

All About CvSU



Photo by: http://www.facebook.com/groups/cavitestateuniversity/photos/




Sa tatlong taon ko sa CvSU, I must say na ready na akong sagutin ang tanong na: “Masaya ka ba sa CvSU?”
Maraming estudyante ang nakakapansin sa minsa’y hindi maayos na pagpapalakad dito, maging sa facilities, at pati na rin sa marami pang bagay. Pero hindi rin naman maitatanggi ang mga nagagawa nito na both students and the University itself ang nagbebenefit.
Let’s start the discussion sa mga puna. Naririnig ko lang naman po ang karamihan, ang iba nama’y sadyang makikita’t mararamdaman mo naman talaga. Umpisa palang ramdam mo na ang paghihirap dahil sa pakikibaka mo sa mahabang pila sa enrolment. I’ve experienced seven in the morning ako pumunta, natapos ako bago mag-twelve ng tanghali. At kung mapalad-palad ka, aabutan kapa ng “cut-off” o naman kaya ang malala kapag sunod kana tsaka mawawalan ng internet. Well, obviously hindi maayos ang enrolment system. Sa dami kasi ng pumapasok na estudyante, mano-mano pa rin ang pagbabayad. Bukod dito,kapansin-pansin din ang hindi maayos na lakaran o daan mula labas hanggang loob ng University. Wala lang sana ‘to considering na bundok talaga ang kinatitirikan ng University, kaso every time kasi na uulan, hindi lang katakot-takot nabaha ang susuungin kung hindi pati ang kasama nitong putik. Maliit na bagay ba ito? Oo, maliit na lang sana ‘to kaya lang sa lahat nalang siguro ng lalakaran mo ay ganito, hindi ka naman pwedeng lumipad. At ok sana kaya lang mababasa pa medyas mo umaga palang. Therefore, hindi talaga ok. At syempre pa hindi talaga mawawala ang tume-trending na mga guards. Well, let’s say that they are just doing their job. Yes, they are, kaya lang moody talaga sila. Hindi mo alam ang trip sa bawat araw na pagpasok. Minsan buhok, minsan uniform, at madalas ID. I mean, pwede naman lahat idaan sa maayos na usapan. Nauso naman po ‘yon. Marami pa siguro ang pwedeng ipuna. Pero let’s give way para naman sa mga magagandang dulot ng University.
If we compare CvSU to other State Universities, hindi naman ito padadaig. CvSU has better facilities. From its humble beginnings, the University proved its worth to the people who became part of its development. Dahil sa mga strict implementation of rules, active participation to different activities through research and international partnership at ng maiging pagpapaalala ng University mission and vision, the awareness of the students are thorough. Hindi man minsan nagugustuhan, maganda ang dulot ng mga ito sa University. Kesa maging mukha tayong adik sa kanto o dancer sa mga club, nagiging matino ang lahat dahil sa pagpapatupad ng mga batas lalo sa itsura ng mga estudyante. Ehem… sabi ko rules, hindi moody guards. Bitter? Well, let’s move on sa student-friendly instructors. This is just an observation. Nagiging exciting kasi ang buhay sa CvSU sa magigiliw at masisipag na tagapagturo, hindi man lahat pero karamihan naman siguro no. There are also a lot of things to be proud of kung estudyante ka ng CvSU . Isa pa sa mga ito ay ang bonggang library. Mapapagod ka man kakaakyat, sulit naman sa maraming kaalaman mong makikita. Kung dika kombinsido, try mong pumunta, ewan ko nalang kung makulangan ka pa sa apat na palapag na puro libro ang kaharap. And I must say, CvSU’s approach to people is to encourage them to work hard and be disciplined through the years na pamamalagi dito.
Yes, I am happy to spend my four years of education in this University knowing both its weaknesses and strength. It proves that it will still grow and achieve even bigger honor not just for the government but for every single person involve. Naniniwala ako sa kaya nitong gawin sakin at sa bawat nangangarap na estudyante. Who would dare condemn an institution from where he came from? Dito ako nagsimula at gusto kong tunghayan ang pagyabong ng aking panggagalingan. I am what my University is. Kaya naman suportado ko ‘to. 


by: C. J. Ruiz

reference: CvSU student hsndbook

1 comment:

  1. SUNDAY JULY 29 2012

    "CVSU" WOW, being student of Cavite State University main campus, hmmmn. sakto lang pangkaraniwan way back year 2006 graduate ako ng high school sa tanza national trade school nag decide agad ako mag aral ng college at CVSU main ang target ko that that time ero hindi pinalad, need muna daw ng ate mkagraduate first before ako mag college, nag stop ako at i decided to work at jollybee as a dining crew para makaipon at mkapag-enrol din.nag enrol ako sa naic campus first sem year 2007 di ko feel masyado kaya ng transfer ako sa main pagdating ng second sem.WOW main campus na ako..

    MY EXPERIENCE IN CVSU

    Napakadami, karamihan boring, more on dancing and studying lng tlga umikot mundo ko sa cvsu.TEENSQUAD before na ngayon ay PRIMEMOVERZ dahil sa dance group na yan naging makabuluhan ang pagtanda ko sa cvsu haha.Ang nakakasama ng loob yung tipong 3 years ka ng ng peperform and ahen everytime na my program lahat ng department invaited at number one kayo sa list at the group is listed as one of organization in campus, never nila inaprubahan na magkaroon man lang sana kami ng kahit katiting lang na discount sa tuition fee,pero wala talaga..Matutuwa ka pa bang mag perform in that kind of situation,in all of those efforts and preparations eh wala man lang considerations.haaayyst..Alam nyo yung di kana aattend ng class makapagrehearse lang then yun na lang yun happy ka kasi nakapag entertain ka pero sila di ba nila naisip yun?but never mind kahit anong thumbling naman gawin mo wa effect sa kanila,yung mga taong natutuwa nalang din inicip namin hopefully sa tagal tagal na naming nag perform eh wala ng miss interpretions because we are not performing para mag yabang at mag pasikat we perform to share and entertain lang naman peace=)!!!

    Lovelife in cvsu wala. never pumasok sa isip ko yan haha, there are times na dadating sa point na my magugustahan ka pero gang dun nalang crush nalang, sila nalang din ginagawa kong inspiration para sipagin din pumasok ng maaga haha.

    SECURITY GUARDS yan mga yan minsan nakakatuwa pero madalas nakakaasar talaga, for me papansin sila masyado feeling police makaasta pero hindi ba nila naisip na kung hindi dahil sa mga students na nageenrol hindi din sila makakasweldo.Alam din dapat nila na sa state university sila nag tatrabaho so dapat marunong sila mag aproach in a nice way, speaking professionally nalang nakakatuwa na pag natuto sila nun eh, kaso napakatapang nila masyado tsk tsk.

    Ang nakakatuwa dumating sa point na nilibot ko ang buong campus because one of my former professor assigned me to do a compilation of cvsu main using photos.Napakahirap ng ginawa ko sunday morning palang nasa campus nako at feeling photographer na pindot ng pindot sa cam tutok dito tutok doon talaga haha natapos ako dilim na huling pinuntahan ko sa saluysoy katakot talaga pero i have no choice talaga dinaan ko nalang sa dasal..

    Ngayon third year na ko tsaka ko palang na feel ang pagiging tunay na BSRM student, almost all of person in cspear talagang engaged in sports at ako lang ata ang nagiisang hindi sport minded, the reason why i enrolled naman talaga ng bsrm is because of dancing eh, pero narealize ko sarap pala at malaki ang tulong ng sports sa buhay na tao, and now im doing great in cspear having my healthy life style yeah.

    Tatlong sem pa ang gugugulin ko sa cvsu hopefully madami pang unforgetable experiences ang dumating sa buhay ko sa cvsu, don't you worry inform ko padin kayo pag dating ng time na yun, for now eto muna hehe eto lang talaga eh good luck sating lahat may kanya kanya tayong goal sana maabot natin lahat yun sipag at tiyaga lang guys..godbless=)

    by:kenneth "joAo" del rosario

    ReplyDelete